The Faculty Code of Ethics provides guidance for the daily practice and actions as University faculty members (Faculty Code of Ethics, approved at the 63rd UP Diliman UC meeting, 8 December 1998, and adopted at 1128th BOR meeting, 28 January 1999). As teachers and scholars, the University demands from the faculty a commitment to develop future leaders of our country, scholarly excellence, intellectual integrity, and ethical behavior that strengthen UP’s identity as the sole national university of this country (University of the Philippines Charter of 2008). Upholding the virtues of intellectual integrity and ethical behavior nurtures collaboration and collegiality within the community of scholars and inspires trust and confidence from the Filipino people (Faculty Code of Ethics, approved at the 63rd UP Diliman UC meeting, 8 December 1998, and adopted at the 1128th BOR meeting 28 January 1999).
Kodigo ng Etikang Pangkaguruan |
Code of Ethics for Faculty Members |
---|---|
Kami, mga kasaping kaguruan ng Unibersidad ng Pilipinas – taglay ang pagtitiwala sa tao at pagtuklas ng kaalaman, at buo ang loob sa pakikiisa sa mapagpalayang propesyon ng edukasyon – ay sumusumpa na: |
With faith in humankind and the quest for knowledge and with commitment to the best in our profession as educators in order to liberate the human spirit, we, the members of the faculty of the University of the Philippines hereby, pledge to: |
I. Una at higit sa lahat, isusulong ang dangal ng Unibersidad ng Pilipinas; |
I. Uphold the honor of the University of the Philippines, first and foremost; |
II. Isasakatuparan ang kagalingan sa pagtuturo, pananaliksik, at serbisyong panlabas at ipag-papatuloy ang gawaing mag-susulong sa aming kaalaman at kahusayan na kaalinsabay ng pamantayang pandaigdig; |
II. Pursue excellence in instruction, research and extension, and work continuously towards advancing our knowledge and skills to a level comparable with the best in the world; |
III. Itataguyod ang tunay na diwa ng nasyonalismo at marubdob na pagkapit sa panlipunang katarungan, kasariang pagkaka-pantay, kapakanang pang-komunidad, at pangangalagang pangkapaligiran; |
III. Promote a strong sense of nationalism and enduring concern for social justice, gender equality, cultural values, community welfare, and protection of the environment; |
IV. Ipagpapatuloy ang katatagan ng kalayaang akademiko sa pag-papatupad ng aming mga gawain at responsibilidad bilang mga guro at iskolar nang may karangalan, katapatan, pagka-malikhain, kawastuhang-asal, pagkakapantay, at taos-pusong paglilingkod; |
IV. Keep academic freedom inviolate in the performance of our roles and responsibilities as teachers and scholars with integrity, honesty, creativity, propriety, fairness, and devotion; |
V. Ipupunla sa kaisipan ng mga mag-aaral ang matinding pag-mamahal sa kaalaman kaugnay ng pagsulong ng kagalingan, katapatang pangkaisipan, at paggalang sa pagkamakatao; |
V. Instill in our students the passion for learning, the discipline attendant to the pursuit of excellence, intellectual honesty, and respect for the humane; |
VI. Isasabuhay ang pagtutulungan, kasiyahan , at propesyonalismo sa pakikipag-ugnayan sa mga kasamahan; |
VI. Relate with our colleagues in the spirit of cooperation, camaraderie, and professionalism; |
VII. Ipagpapatuloy ang katapatan at pagkakapantay sa pakiki-bahagi sa kasamahan, mag-aaral, at iba’t-ibang tao o ahensya sa labas ng Unibersidad; |
VII. Maintain honesty and fairness in our dealings with colleagues, students, and entities outside of the University; |
VIII. Iwawaksi ang mga gawain at interes na salungat sa aming tungkulin bilang mga guro, at taliwas sa interes ng Unibersidad; |
VIII. Reject activities and interests that interfere with our responsibilities as faculty members and conflict with the interests of the University; |
IX. Isusulong ang epektibong pamamalakad at pagpapaunlad sa mga institusyon ng Unibersidad sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok, at |
IX. Participate actively in the effective governance and institutional development of the University; and |
X. Tatalima sa mga batas ng bansa at mga probisyon ng Charter ng Unibersidad at Kodigo ng Unibersidad, at alituntuning isinabatas ng mga pinagkatiwalaang awtoridad ng University System. |
X. Abide by the laws of the land and provisions of the Charter of the University and the University Code, as well as the lawful rules and regulations of the duly constituted authorities of the University System. |